COMFORT
Kumportable ang buhay ng mga Aquino at lalo na ng mga Cojuangco. Pinalaki si Cory sa paniniwala na hindi niya kakailanganing maghanapbuhay pag siya ay lumaki. Para sa kanya, naiba si Ninoy sa ibang mga lalaking kilala niya dahil sa lalim ng kanyang karanasan.
Paano kaya kung imbis na makipagsapalaran sa ibayong dagat, tumungo paloob si Ninoy bilang pagtugon sa pagkawala ng kanyang ama? Marami naman sa atin ang nakakatuklas ng kakaibang lakas mula sa ating pamilya, komunidad, o pananampalataya tuwing tayo ay nagluluksa. Kung ito ang ginawa ni Ninoy, papasok pa kaya siya sa pulitika? Kung oo, ano namang klaseng lingkodbayan ang magiging bunga ng ganitong desisyon?
Magpapatuloy ang kuwento sa likod ng “ADVENTURE.”
The Aquinos and especially the Cojuangcos led comfortable lives. Cory was raised believing that she would not have to work when she grew up. For her, Ninoy stood out from the other boys she met because of his depth of experience.
But what if instead of adventure abroad, Ninoy had looked within in response to the loss of his father? Many of us discover a unique source of strength in our family, community, or faith in the midst of our grief. If Ninoy had done this, would he have still entered politics? If so, what kind of public servant would’ve been produced instead by this decision?
The story continues behind “ADVENTURE.”




